Araw ng Treadmill
Dumating na ang treadmill sa bahay. Ngayon, wala na akong ligtas na umiwas sa aking ehersisyo. Ang tagal ko nang walang exercise, lalo na nitong sembreak. Nakaisang oras ako sa treadmill. Boring ang gawaing ito pero dapat kong gawin. Nakakawala sa pagkabagot ang telebisyon. Mag-iisip pa ako ng ibang paraan para pasayahn ang sarili habang naglalakad.
Nagtimbang ako ngayon. Nalungkot ako sa sinabi nito. Bibigyan ko ang sarili ko ng isang buwan para magkaltas ng 30 lbs.
Ito ang aking gagawin:
1. Araw-araw na treadmill. 45 minutos o isang oras.
2. Magpineapple juice bilang work-out drink. Bibili ako bukas ng maraming lata nito.
3. Walang iced tea, softdrinks, o anumang inuming matamis.
4. Bawasan ang carbs intake.
5. Bawasan ang kanin.
6. Huwag kumain ng pork at beef. (Ginagawa ko naman ito).
7. Iwasan ang fried o mga pagkaing pinirito.
8. Bawasan ang sodium intake.
9. Kumain ng prutas o gulay araw-araw.
10. Uminom ng maraming tubig. Walong baso araw-araw.
11. Iwasan ang cake, kopibun, tinapay, hopia, siopao.
Paano pasisiyahin ang sarili habang nagtetreadmill:
1. Manood ng telebisyon.
2. Manood ng pelikula.
3. Makinig ng audiobook.
4. Gumawa ng plot points.
5. Magbasa ng isang tula.
Regalo sa sarili:
Kapag nawalan ng 10 lbs--bagong Adidad na sapatos (kulay puti)
Kapag nawalan ng 20 lbs--tatlong bagong pantalon
Kapag nawalan ng 30 lbs--limang bagong polo na mamahalin
Kapag nawalan ng 40 lbs--bagong relo
Labels: diet diary, workout