May 2006 Reading List
Bago ko muna bilihin ang librong matagal ko nang gustong bilihin, dapat basahin muna ang mga sumusunod. Parusa ito sa sarili sa pagbili nang pagbili kahit kaunti ang panahon sa pagbabasa.
1. "Slave Dancer" ni Paula Fox--magandang historical fiction daw; Newbery Medal winner
2. "All Alone in the Universe" ni Lynne Rae Perkin--prequel ng Newbery Medal 2006 winner
3. "What Jamie Saw" ni Carolyn Coman--Newbery Honor winner; kontrobersiyal ang nilalaman
4. "Afternoon of the Elves" ni Janet Taylor Lisle--Newbery Honor din at lirikal daw ang pagkakasulat
5. "The Goose Girl" ni Shannon Hale--autor ng "Princess Academy" na gusto ko ring bilihin at basahin
6. "Godless" ni Pete Hautman--National Book Award para sa Young People's Literature
7. "Ella Enchanted" ni Gail Carson Levine--Newbery Honor Book at retelling ng Cinderella
8. "Keesha's House" ni Helen Frost--Printz Honor Book at nasa anyo ng tula
9. "Naughts and Crosses" ni Malorie Blackman--rekomendado ng artistang gumanap bilang Hermione
10. "Walk Two Moons" ni Sharon Creech--Newbery Medal winner
11. "Notes from a Liar and Her Dog" ni Gennifer Choldenko--autor ng Newbery Honor book na "Al Capone Does My Shirts"
Huling Nabasa (Sa susunod na lang ang blog)
1. "The Wright 3"--Isang araw kong nabasa at ibig sabihin, masarap basahin. Nag-enjoy ako sa pagkakasulat at sa sinasabi ng nobela.
2. "Danny the Champion of the World"--Sa wakas, natapos ko na rin pagkaraan ng matagal na pagkakahinto. Natuwa ako sa kapilyuhan ng mag-ama sa nobela. May himig na Marxista sa nobelang ito.
Huling napanood:
"Scent of a Woman"--Kinurot ang puso ko't napaiyak ako. Galing ng pagkakaarte. Hindi ko napansin ang puro daldalan dahil sa mabisang pagganap tungkol sa halaga ng buhay, sa pagpapatuloy mabuhay, at sa pagpapanatiling buo ng kaluluwa kahit pilantod o bulag ang katawan.
<< Home